Martes, Hulyo 8, 2014

Mga uri ng anyong lupa



BULUBUNDUKIN


                      Noon, kapag naririnig ko ang salitang bulubundukin at bundok ay iniisip ko na magkamukha lang ito bukod sa isa itong uri ng anyong lupa. paghahambingin ang dalawa, ang bulubundukin ay isang uri ng bundok ngunit ito ay mas madami kaysa sabundok. Naiba ang bulubundukin sa bundok dahil ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunod-sunod.
Ang pinakamataas na bulubundukin sa buong mundo Himalaya nasa Asya na nangangahulugang "tahanan ng mga niyebe".Sa Pilipinas, ang Sierra Madre ang pinakamahabang hanay ng bundok na nasa Cordillera. Mayroon din tayong maipagmamalaki na mga lugar na magkakadikit na mga bundok na tinatawag na lalawigang bulubundukin na tinatawag natin na lalawigang bulubundukin isang lalawigan sa Pilipinas sa Cordillera Administrative Region sa Luzon. Bontoc ang kapital nito at napapaligiran ito ng Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, at Isabela. Mountain Province ang buong pangalan ng lalawigan at kadalasang pinapangalan ng mali bilang Mountain lamang ng mga ibang banyagang reperensya. Madalas din na maling dinadaglat ng mga lokal na mamamayan ito bilang Mt. Province na kadalasang binabasa ng mga katutubong Ingles bilang "Mount Province". Ipinangalan ang lalawigan ng ganito dahil matatagpuan sa bulubundukin ngCordillera sa hilangang gitnang Luzon. Ang Mountain ay Ingles para sa bundok. Pangalan din ang Mountain Province ng makasaysayang lalawigan na kinabibilangan ng karamihan sa mgakasalukuyang mga lalawigan ng Cordillera. Naitatag ng mga Amerikano ang lumang lalawigan na ito noong 1908 at nahiwalay sa kalunan noong 1966 at naging Mountain Province, Benguet, Kalinga-Apayao at Ifugao.Nakatira sa mga bulubundukin ang mga Igorot. Sila ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mayaman sila sa kultura at paniniwala na hanggang sa ngayon, sa ibang lalawigan ay naisasagawa.

                   BUNDOK




                         Ang bundok ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundo.Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan".Sa Pilipinas, ang Bundok Apo ay isang bundok na matatagpuan Davao. Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.Ang bundok ay isang kalupaang nakaumbok at mas mataas kaysa sa mga burol sa lugar na iyon. Ang kaibahan ng mga burol sa mga bundok ay depende sa kapaligiran. Sa isang lugar kung saan mabababa ang burol, maaaring ilang daang piye lamang ang kataasan ng isang bundok kung ihahambing sa nakapalibot na lupain, samantalang sa mas bulubunduking mga pook, ang mas mabababang taluktok ay maaari ring tawaging mga burol, kahit pa mas matataas ang mga ito kaysa sa isang nakabukod na bundok tulad ng Bundok Tabor na 562 m (1,844 na piye) ang taas.Ang salitang Hebreo na har ay maaaring tumukoy sa indibiduwal na mga bundok, kasama na rito ang Bundok Sinai, Bundok Gerizim, Bundok Ebal, Bundok Gilboa, at Bundok Sion. Maaari rin itong tumukoy sa mga hanay ng mga bundok tulad niyaong sa Ararat at sa buong matataas na pook tulad ng mga bulubunduking pook ng Efraim, Neptali , at Gilead, gayundin sa mga pook na noong sinauna ay pinanirahanan ng mga Amorita at ng mga Ammonita. Ang salitang Aramaiko na tur ay tumutukoy sa isang bundok, gaya rin ng salitang Griego na o′ros.Kung minsan, ang terminong “bundok” ay tumutukoy sa lupa, pananim, at mga punungkahoy na nasa bundok. Sinabi ng salmista tungkol kay Jehova: “Hinihipo niya ang mga bundok, at ang mga ito ay umuusok.” Maaaring tinutukoy nito ang bagay na kayang pagliyabin ng kidlat ang mga kagubatan sa bundok, sa gayon ay pinag-uusok ang bundok. Waring ang mga epekto naman ng isang matinding bagyo ang inilalarawan nang banggitin ng Bibliya na ang mga bundok ay ‘natutunaw’ o ‘umaagos.’ Dahil sa malakas na ulan, ang lupa ay inaagnas ng mga batis at ng mga rumaragasang agusan, anupat para bang tinutunaw iyon. Sa katulad na paraan, ang kapahayagan ng galit ni Jehova laban sa mga bansa ay inihulang magbubunga ng lansakang pagpatay anupat matutunaw ang mga bundok dahil sa dugo ng mga napatay, samakatuwid nga, aagnasin nito ang lupa. Ang ‘pagtulo ng matamis na alak’ mula sa mga bundok ay nangangahulugang mamumunga nang sagana ang mga ubasan na nasa mga dalisdis ng mga ito.Ang mga bundok ay nakaaapekto sa klima at ulan; sinasahod ng mga ito ang tubig at pinaaagos pababa sa mga ilog o iniipon iyon sa mga imbakan ng tubig sa ilalim ng lupa at ang mga ito naman ang naglalaan ng tubig sa mga bukal na nasa mga libis sa ibaba. Ang mga dalisdis ng mga ito ay tumutustos sa mga punungkahoy, mga ubasan, at iba’t ibang pananim. Nagsisilbi namang mga giikan ang mas matataas na bahagi ng mga ito. Naglaan ang mga bundok ng likas na proteksiyon laban sa mga hukbong sumasalakay; ang mga ito ay naging kanlungan at mga imbakang dako sa panahon ng panganib; ihambing ang at silungan para sa mga hayop-gubat. Ang mga ito ay naging lokasyon ng mga lunsod. Dahil sa pagmimina, nakahukay ng kapaki-pakinabang na mga inambato mula sa mga ito. Gayundin, sa mga bundok tiniti ]bag ang mahahalagang bato para sa pagtatayo.

BULKAN


                  Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing pagputok.Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).
Kadalasang matatagpuan ang bulkan sa dalawa o tatlong plato na naghiwalay o nagdikitan.Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzonsa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang bulkan ay isang puwang sa ibabaw nglupa, karaniwang parang konong burol obundok, na binubuo o may parting binubuo ng iniluwang materyal tulad ng abo at lava.Ang puwang ay tinatawag na bunganga ng bulkan (crater) at tinatawag na tubo (pipe) ang landas na dinadaanan ng mga iniluwang materyal gaya ng abo at lava. Kapag nanggaling mula sa lupa ang tunaw na bato, ang tawag dito ay lava. Tumitigasito at bumubuo ng kono o bobida (dome) na mayroong tunel at butas (vent) sa gitna. Kapag mas madami ang lava na lumalabas dito, mas nagiging mataas at malapad ang bulkan matapos ang pagsabog.Maaaring maging tahimik ang bulkan sa loob ng daan-daan o libo-libong taon ngunit hindi nangangahulugang payapa ito. Alam mo na sasabog ang bulkan kapag nagsimula nang gumalaw ang lupa malapit dito. Makaririnig ka ng mga dumadagundong na ingay mula sa ilalim ng lupa at makakikita ka ng maitim na usok galing sa bunganga ng bulkan.
Iba’t ibang klase ang pagsabog ng bulkan. May mga bulkan na nagwiwisik ng lava na parang isang nag-aapoy na bukal. Mayroon namang naglalabas ng maiinit na bato. May mga bulkan na naglalabas ng lava galing sa mga siwang sa tagiliran nito. Mayroon din namang bulkan na nagbubuga ng mainit na ulap at gas pababa sa labak. At may mga iba na sumasabog at nasisira.

Mga Uri ng Bulkan

              May limang uri ng bulkan: ang shield, cinder cones, stratovolcanoes, domes at calderas. May kanya-kanyang paraan ng pagsabog at hubog ang bawat isa.
Shield Volcanoes
              Ang tinatawag na shield volcanoes ay gawa halos sa purong lava na umaagos sa lahat ng direksyon galing sa singawan sa gitnang taluktok o sa isang grupo ng singawan na humuhubog ng isang malapad, padalisdis at patag na kono na parang isang kalasag ng mandirigma. Nahuhubog ang mga ito sa pamamagitan ng pagkaipon ng libo-libong agos ng lava na tinatawag na basalt lava. Kumakalat ang basalt lava sa malalayong distansya at lumalamig bilang manipis at pababang pliego (sheets). Maaari ding manggaling ang lava sa mga butas na nakalatag sa mga rift zones na nanggagaling naman sa mga libis ng kono.
Cinder cones
             Tinaguriang pinakasimpleng bulkan ang mga cinder cones. Gawa ang mga ito sa mga butil at patak ng natuyong lava na iniluwa mula sa isang butas. Habang ibinubuga sa hangin ang gas at lava, nadudurog ang mga ito sa maliliit na butil na namumuo at nahuhulog bilang abo palibot sa butas upang makabuo ng bilog o habilog na kono. Karamihan sa mga cinder cones ay mayroong bunganga na may hugis mangkok (bowl) sa may tuktok at bihirang tumaas sa isang libong piye sa kanilang paligid.
Stratovolcanoes
             Ang ilan sa pinakamalaki at pinakamagandang bundok sa mundo ay ang mga stratovolcanoes tinatawag ding composite volcanoes. Karaniwang matarik ang tagiliran ng mga ganitong uri ng bulkan, proporsiyonado ang mga kono na may malalaking sukat at gawa sa mga naghahalinhinang layer ng lava, abo, baga, at mga bloke at maaaring tumaas hanggang 8000 piye mula sa ibaba. Karamihan sa mga stratovolcanoes ay may bunganga sa tuktok na may butas sa gitna o magkakasamang grupo ng butas. Maaaring umagos ang lava sa mga sira sa pader ng bungaga ng bulkan o sa mga bitak sa libis ng kono. Kapag tumigas ang lava sa mga lamat, bumubuo ito ng saplad o dike na nagsisilbing tadyang na lalong nagpapatibay sa kono. Ang pinakamahalagang katangian ng isang stratovolcano ay ang sistema ng padaluyan kung saan dumadaloy pataas sa ibabaw ang magma na galing sa ilalim ng lupa. Nahuhubog ang bulkan sa pamamagitan ng pagkaipon ng materyal na galing sa padaluyan at lalong lumalaki dahil sa patuloy na pagdagdag ng lava, abo at baga sa tagiliran nito. Kapag natutulog (dormant) ang stratovolcano, nasisira ito dahil sa paglugos ng kono. Habang nababawasan ang kono, ang matigas na magma na pumupuno sa padaluyan (volcanic plug) at saplad (dike) ay nabibilad at natutunaw din. Matapos ang mga prosesong ito, natitira na lamang ang volcanic plug at saplad na nakausli sa ibabaw ng lupa – ang labi ng isang nawalang bulkan.

Domes
              Nabubuo ang mga domes sa pamamagitan ng maliliit at matatambok na piraso ng magma na masyadong malapot upang umagos ng malalayong distansya; dahil dito, nagpapatong=patong ang lava sa ibabaw at paligid ng butas. Lumalaki ang isang dome dahil sa paglawak nito sa loob. Habang ito ay lumalaki, lumalamig at tumitigas ang labas nito at nababasag sa malilit na piraso. May mga domes na bumubuo ng mga umbok o gulugod sa singawan, at may mga iba naman na bumubuo ng maiikli, matatarik na agos ng lava na tinatawag na coulees. Karaniwang matatagpuan ang mga domes sa loob ng bunganga ng bulkan o libis ng malalaking stratovolcanoes.

Calderas
              Ang calderas ay mga uka na nabuo ng mga gumuhong bulkan. Karaniwang mga uka ay may hugis palanggana, malalaki at may matarik na pader na binubuo ng mga nasirang bulkan sa isang malawak na lugar at sa paligid ng mga butas ng bulkan. Iba’t iba ang anyo ng Calderas, mula sa 1-15 mi sa diameter hanggang sa may pinahabang uka na may 60. mi ng haba.

Mga Aktibo at Di-Aktibong Bulkan

              Aktibo o di-aktibo ang mga bulkan ayon sa mga naitalang aktibidad. Sinasabing aktibo ang bulkan kapag ang mga pangyayari tungkol sa pagsabog nito ay naitala ng tao sa kasaysayan. Sinasabi naman na di-aktibo ang bulkan kung hindi pa ito sumasabog ng matagal na panahon at unti-unting nagbabago ang anyo nito dahil sa panahon at erosyon. Mas inaaasahang sasabog ang mga aktibong bulkan kung ikukumpara sa mga di-aktibo. Ngunit hindi nangangahulugang hindi na puputok ang mga di-aktibong bulkan matapos manahimik ng matagal na panahon.Noong 1991, naganap ang pangalawa sa pinakamalakas na pagsabog ng bulkan sa buong mundo sa loob ng 20th century -ang pagputok ng Mt. Pinatubo. Nagsimula ang pag-aalburoto sa pagbuga ng abo na umabot pa hanggang Maynila. Nauwi ito sa pagsabog ng pyroclastic material at dahil sa sumunod na bagyo, lahar naman. Daan-daang mga tao ang namatay at nawalan ng tirahan dahil sa pagngangalit ng bulkan. Ang topograpiya ng ilang probinsiya, nabago; may ilang mga bayan pa nga ang nabura sa mapa. Pati ang temperatura sa buong mundo, naapektuhan ng kumalat na abo mula sa Pinatubo.Pero bukod sa Pinatubo, mayroon pang mahigit dalawampung bulkan sa Pilipinas naaktibo ayon sa PHIVOLCS. Kabilang na rito ang Mt. Mayon sa Albay at Taal Volcano sa Batangas. Sa dami ng bulkan sa Pilipinas, isa nga ito sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire. Dahil sa peligrong maaaring hatid ng mga bulkan, mahalaga na maunawaan natin kung paano sila nabubuo at kung ano ang nasa likod ng kanilang mga pagsabog. Higit sa lahat, mahalaga rin malaman kung paano tayo dapat maghanda sakaling mag-alboroto muli ang alin man sa mga ito.Sa Huwebes, November 22, samahan ang ekspertong totoo na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz para alamin kung handa na nga ba tayo sa hamon ng mga bulkan. Sa tulong ni Dr. Renato Solidum ng PHIVOLCS, sisilipin ng episode na ito ang iba’t ibang klase ng pagputok ng bulkan. Bibisitahin din natin ang isang lugar sa Zambales kung saan tuktok na lamang ng dating simbahan ang bakas ng isang barangay na ngayo’y nalubog na sa tubig at lahar.Sa kabila ng pinsalang dulot ng pagputok ng bulkan, may mga benepisyo rin itong hatid. Kabilang na rito ang pag-usbong ng turismo sa mga lugar malapit sa bulkan at ang paggamit ng enerhiya mula sa mga bulkan.

TALAMPAS



                  Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin bilang pantayanin, bakood, at bakoor.Ang Tibetan Plateau ang pinakamataas na talampas sa buong mundo na may 16,000 talampakan na nasa taas ng bundok.Ang talampas ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar o ito ay ang kapatagan sa itaas ng bundok. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito.

DISYERTO


                Ang disyerto ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato. Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.Sa heograpiya, ang isang desyerto, disyerto, ilang, ulog ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang ilang bilang mga lugar na tumatanggap ng karaniwang presipitasyon na bababa sa 250 mm (10 pulgada).
Kilala ang mga ilang sa nakapaliit na pagsuporta sa buhay. Maaaring totoo ito kumpara sa mga mas basa na rehiyon, bagaman kadalasang may mataas na biyodibersidad ang ilang, kabilang ang mga hayop na nananatiling tago (lalo na kung may araw) upang mapangalagaan ang pagkabasa.May mga ilang katangian ang mga ilang. Kadalasang binubuo ito ng mga buhangin atmabatong ibabaw. Binubuo din ang maliit na bahagi nito ng mga buhanging duna na tinatawag na erg at mabatong (hamada) ibabaw. Karaniwan ang paglabas ng mga mabatong mga lupain, na sinasalamin ang maliit na pag-inam ng lupa at kakaunting pananim. Maaaring patag na natatakluban ng asin ang mga ilalim na lupain. May katulad na katangian ang mgamalamig na ilang ngunit niyebe ang pangunahing anyo ng presipitasyon sa halip na ulan. Ang Antartika ang pinakamalaking malamig na ilang (binubuo ng mga 98 bahagdan ng makakapal na kontinental na sapin ng yelo at nakalitaw na mga bato ang 2 bahagdan).Sahara ang pinakamalaking ilang na mainit. Ang World Day to Combat Desertification and Drought ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 17.


     KAPULUAN O ARKIPELAGO


                  Ang kapuluan o arkipelago ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian.Ito ay pangkat ng mga pulo. Ang mga bansang Japan, Pilipinas, Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan. Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo ang bansang Indonesia na tinatayang mayroong mahigit 
13,000 pulo.

                      PULO


               Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago. Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal.
Pulong kontinental
              Ang mga pulong kontinental ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf ng isang kontinente. Isang halimbawa nito ang isla ng Lupanlunti, na nasa kontinente ng Hilagang Amerika.
Pagkakaiba ng mga pulo at mga kontinente
             Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig na may sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente ay may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente, o mula sa mga munting pulo.


         TANGWAY O PENINSULA

               Ang isang tangway o tangos o peninsula, cape, promontory sa Ingles ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.


               KAPATAGAN


                Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain, masmadaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mgagulay. Sa kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, mais atpalay. Sagana naman saabaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros, Davao, Cebu at Iloilo.













32 komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Paano naman yung Delta bakit wala dito.Isa rin yung anyong lupa.

      Burahin
    2. Paano naman yung Delta bakit wala dito.Isa rin yung anyong lupa.

      Burahin
  2. Salamat po dito! 97 po ako sa report ko! Maraming salamat po talag sa gumawa nito! 😅😊😊😘

    TumugonBurahin
  3. Salamat po sa nag-gawa nito merun na din akong assignment sa wakas =) thank you po!

    TumugonBurahin
  4. bakit wala pong burol eh di ba po anyong lupa din po iyon

    TumugonBurahin
  5. Thank you so much. It really helpsmy son's assignment. God bless po.

    TumugonBurahin
  6. ilang persyento ang meron sa anyong lupa at anyong tubig?? Please pasagot po ng aking katanungan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Anyong lupa nasa 20-30%
      Anyong tubig ay nasa 70%

      (Anyong tubig
      *tubig alat 97%
      *tubig tabang 3%)

      Burahin
  7. malaking tulong po ito sa mga mag-aaral. maraming salamat po

    TumugonBurahin
  8. Salamat po sa information natu maling tulong po to sa manga students tulad namin upang malaman at pag aralan ang ibat ibang uri na lupa..

    TumugonBurahin
  9. Malaking tulong po sa manga students

    TumugonBurahin
  10. Malaking tulong po sa manga students

    TumugonBurahin
  11. ano ano ang ibat ibang katangian ng anyong lupa

    TumugonBurahin
  12. Salamat po dito sawakas may assignment napo akoo... yeeehhhh hhoooo😇😇😁😁

    TumugonBurahin
  13. Anyong lupa paglalarawan halimbawa :

    Kapatagan

    TumugonBurahin
  14. San Monday pa assignment ko pero ngayon meron na Kong magaasawa tnx

    TumugonBurahin
  15. Maraming salamat po sa mga magagandang tanawin lalo Na SA lalawigan ng Palawan. Marami akong maibabahaging kaalaman sa aking mga eskwela.

    TumugonBurahin
  16. Casino Site | Lucky Club Live
    Join Lucky Club, the #1 online casino in South Africa and play with real money. Register today and claim your welcome bonus! Rating: 5 · luckyclub.live ‎5 votes

    TumugonBurahin