BULUBUNDUKIN
Noon, kapag
naririnig ko ang salitang bulubundukin at bundok ay iniisip ko na magkamukha
lang ito bukod sa isa itong uri ng anyong lupa. paghahambingin ang dalawa, ang
bulubundukin ay isang uri ng bundok ngunit ito ay mas madami kaysa sabundok.
Naiba ang bulubundukin sa bundok dahil ito ay matataas at matatarik na bundok
na magkakadikit at sunod-sunod.
Ang pinakamataas
na bulubundukin sa buong mundo Himalaya nasa Asya na nangangahulugang
"tahanan ng mga niyebe".Sa Pilipinas, ang
Sierra Madre ang pinakamahabang hanay ng bundok na nasa Cordillera. Mayroon din
tayong maipagmamalaki na mga lugar na magkakadikit na mga bundok na tinatawag
na lalawigang bulubundukin na tinatawag natin na lalawigang bulubundukin isang
lalawigan sa Pilipinas sa Cordillera Administrative Region sa Luzon. Bontoc ang
kapital nito at napapaligiran ito ng Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, Abra,
Kalinga, at Isabela. Mountain Province ang buong pangalan ng lalawigan at
kadalasang pinapangalan ng mali bilang Mountain lamang ng mga ibang banyagang
reperensya. Madalas din na maling dinadaglat ng mga lokal na mamamayan ito
bilang Mt. Province na kadalasang binabasa ng mga katutubong Ingles bilang
"Mount Province". Ipinangalan ang lalawigan ng ganito dahil
matatagpuan sa bulubundukin ngCordillera sa hilangang gitnang Luzon. Ang
Mountain ay Ingles para sa bundok. Pangalan din ang Mountain Province ng
makasaysayang lalawigan na kinabibilangan ng karamihan sa mgakasalukuyang mga
lalawigan ng Cordillera. Naitatag ng mga Amerikano ang lumang lalawigan na ito
noong 1908 at nahiwalay sa kalunan noong 1966 at naging Mountain Province,
Benguet, Kalinga-Apayao at Ifugao.Nakatira sa mga
bulubundukin ang mga Igorot. Sila ay kilala sa kanilang pagiging masipag,
matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta
hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan.
Mayaman sila sa kultura at paniniwala na hanggang sa ngayon, sa ibang lalawigan
ay naisasagawa.
BUNDOK
Ang bundok ay
anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa
isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang
burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan
ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang
bundo.Sa
pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na
kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na
kagubatan sa kabundukan".Sa Pilipinas, ang
Bundok Apo ay isang bundok na matatagpuan Davao. Ito ang pinakamataas na bundok
sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa
taas na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na ito.
Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.Ang bundok ay
isang kalupaang nakaumbok at mas mataas kaysa sa mga burol sa lugar na iyon.
Ang kaibahan ng mga burol sa mga bundok ay depende sa kapaligiran. Sa isang
lugar kung saan mabababa ang burol, maaaring ilang daang piye lamang ang
kataasan ng isang bundok kung ihahambing sa nakapalibot na lupain, samantalang
sa mas bulubunduking mga pook, ang mas mabababang taluktok ay maaari ring
tawaging mga burol, kahit pa mas matataas ang mga ito kaysa sa isang nakabukod
na bundok tulad ng Bundok Tabor na 562 m (1,844 na piye) ang taas.Ang salitang
Hebreo na har ay maaaring tumukoy sa indibiduwal na mga bundok, kasama na rito
ang Bundok Sinai, Bundok Gerizim, Bundok Ebal, Bundok Gilboa, at Bundok Sion.
Maaari rin itong tumukoy sa mga hanay ng mga bundok tulad niyaong sa Ararat at
sa buong matataas na pook tulad ng mga bulubunduking pook ng Efraim, Neptali ,
at Gilead, gayundin sa mga pook na noong sinauna ay pinanirahanan ng mga
Amorita at ng mga Ammonita. Ang salitang Aramaiko na tur ay tumutukoy sa isang
bundok, gaya rin ng salitang Griego na o′ros.Kung minsan, ang
terminong “bundok” ay tumutukoy sa lupa, pananim, at mga punungkahoy na nasa
bundok. Sinabi ng salmista tungkol kay Jehova: “Hinihipo niya ang mga bundok,
at ang mga ito ay umuusok.” Maaaring tinutukoy nito ang bagay na kayang
pagliyabin ng kidlat ang mga kagubatan sa bundok, sa gayon ay pinag-uusok ang
bundok. Waring ang mga epekto naman ng isang matinding bagyo ang inilalarawan
nang banggitin ng Bibliya na ang mga bundok ay ‘natutunaw’ o ‘umaagos.’ Dahil
sa malakas na ulan, ang lupa ay inaagnas ng mga batis at ng mga rumaragasang
agusan, anupat para bang tinutunaw iyon. Sa katulad na paraan, ang kapahayagan
ng galit ni Jehova laban sa mga bansa ay inihulang magbubunga ng lansakang
pagpatay anupat matutunaw ang mga bundok dahil sa dugo ng mga napatay,
samakatuwid nga, aagnasin nito ang lupa. Ang ‘pagtulo ng matamis na alak’ mula
sa mga bundok ay nangangahulugang mamumunga nang sagana ang mga ubasan na nasa
mga dalisdis ng mga ito.Ang mga bundok ay
nakaaapekto sa klima at ulan; sinasahod ng mga ito ang tubig at pinaaagos
pababa sa mga ilog o iniipon iyon sa mga imbakan ng tubig sa ilalim ng lupa at
ang mga ito naman ang naglalaan ng tubig sa mga bukal na nasa mga libis sa
ibaba. Ang mga dalisdis ng mga ito ay tumutustos sa mga punungkahoy, mga
ubasan, at iba’t ibang pananim. Nagsisilbi namang mga giikan ang mas matataas
na bahagi ng mga ito. Naglaan ang mga bundok ng likas na proteksiyon laban sa mga
hukbong sumasalakay; ang mga ito ay naging kanlungan at mga imbakang dako sa
panahon ng panganib; ihambing ang at silungan para sa mga hayop-gubat. Ang mga
ito ay naging lokasyon ng mga lunsod. Dahil sa pagmimina, nakahukay ng
kapaki-pakinabang na mga inambato mula sa mga ito. Gayundin, sa mga bundok
tiniti ]bag ang mahahalagang bato para sa pagtatayo.
BULKAN
Ang bulkan ay
isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing
pagputok.Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon
ng pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).
Kadalasang
matatagpuan ang bulkan sa dalawa o tatlong plato na naghiwalay o nagdikitan.Ang Bulkan Mayon
ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzonsa Pilipinas.
Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang
bulkan ay isang puwang sa ibabaw nglupa, karaniwang parang konong burol
obundok, na binubuo o may parting binubuo ng iniluwang materyal tulad ng abo at
lava.Ang puwang ay
tinatawag na bunganga ng bulkan (crater) at tinatawag na tubo (pipe) ang landas
na dinadaanan ng mga iniluwang materyal gaya ng abo at lava. Kapag nanggaling
mula sa lupa ang tunaw na bato, ang tawag dito ay lava. Tumitigasito at bumubuo
ng kono o bobida (dome) na mayroong tunel at butas (vent) sa gitna. Kapag mas
madami ang lava na lumalabas dito, mas nagiging mataas at malapad ang bulkan
matapos ang pagsabog.Maaaring maging
tahimik ang bulkan sa loob ng daan-daan o libo-libong taon ngunit hindi
nangangahulugang payapa ito. Alam mo na sasabog ang bulkan kapag nagsimula nang
gumalaw ang lupa malapit dito. Makaririnig ka ng mga dumadagundong na ingay
mula sa ilalim ng lupa at makakikita ka ng maitim na usok galing sa bunganga ng
bulkan.
Iba’t ibang klase
ang pagsabog ng bulkan. May mga bulkan na nagwiwisik ng lava na parang isang
nag-aapoy na bukal. Mayroon namang naglalabas ng maiinit na bato. May mga
bulkan na naglalabas ng lava galing sa mga siwang sa tagiliran nito. Mayroon
din namang bulkan na nagbubuga ng mainit na ulap at gas pababa sa labak. At may
mga iba na sumasabog at nasisira.
Mga Uri ng Bulkan
May limang uri ng
bulkan: ang shield, cinder cones, stratovolcanoes, domes at calderas. May
kanya-kanyang paraan ng pagsabog at hubog ang bawat isa.
Shield Volcanoes
Ang tinatawag na
shield volcanoes ay gawa halos sa purong lava na umaagos sa lahat ng direksyon
galing sa singawan sa gitnang taluktok o sa isang grupo ng singawan na
humuhubog ng isang malapad, padalisdis at patag na kono na parang isang kalasag
ng mandirigma. Nahuhubog ang mga ito sa pamamagitan ng pagkaipon ng libo-libong
agos ng lava na tinatawag na basalt lava. Kumakalat ang basalt lava sa
malalayong distansya at lumalamig bilang manipis at pababang pliego (sheets).
Maaari ding manggaling ang lava sa mga butas na nakalatag sa mga rift zones na
nanggagaling naman sa mga libis ng kono.
Cinder cones
Tinaguriang
pinakasimpleng bulkan ang mga cinder cones. Gawa ang mga ito sa mga butil at
patak ng natuyong lava na iniluwa mula sa isang butas. Habang ibinubuga sa
hangin ang gas at lava, nadudurog ang mga ito sa maliliit na butil na namumuo
at nahuhulog bilang abo palibot sa butas upang makabuo ng bilog o habilog na
kono. Karamihan sa mga cinder cones ay mayroong bunganga na may hugis mangkok
(bowl) sa may tuktok at bihirang tumaas sa isang libong piye sa kanilang
paligid.
Stratovolcanoes
Ang ilan sa
pinakamalaki at pinakamagandang bundok sa mundo ay ang mga stratovolcanoes
tinatawag ding composite volcanoes. Karaniwang matarik ang tagiliran ng mga
ganitong uri ng bulkan, proporsiyonado ang mga kono na may malalaking sukat at
gawa sa mga naghahalinhinang layer ng lava, abo, baga, at mga bloke at maaaring
tumaas hanggang 8000 piye mula sa ibaba. Karamihan sa mga stratovolcanoes ay
may bunganga sa tuktok na may butas sa gitna o magkakasamang grupo ng butas.
Maaaring umagos ang lava sa mga sira sa pader ng bungaga ng bulkan o sa mga
bitak sa libis ng kono. Kapag tumigas ang lava sa mga lamat, bumubuo ito ng
saplad o dike na nagsisilbing tadyang na lalong nagpapatibay sa kono. Ang
pinakamahalagang katangian ng isang stratovolcano ay ang sistema ng padaluyan
kung saan dumadaloy pataas sa ibabaw ang magma na galing sa ilalim ng lupa.
Nahuhubog ang bulkan sa pamamagitan ng pagkaipon ng materyal na galing sa
padaluyan at lalong lumalaki dahil sa patuloy na pagdagdag ng lava, abo at baga
sa tagiliran nito. Kapag natutulog (dormant) ang stratovolcano, nasisira ito
dahil sa paglugos ng kono. Habang nababawasan ang kono, ang matigas na magma na
pumupuno sa padaluyan (volcanic plug) at saplad (dike) ay nabibilad at
natutunaw din. Matapos ang mga prosesong ito, natitira na lamang ang volcanic
plug at saplad na nakausli sa ibabaw ng lupa – ang labi ng isang nawalang
bulkan.
Domes
Nabubuo ang mga
domes sa pamamagitan ng maliliit at matatambok na piraso ng magma na masyadong
malapot upang umagos ng malalayong distansya; dahil dito, nagpapatong=patong
ang lava sa ibabaw at paligid ng butas. Lumalaki ang isang dome dahil sa
paglawak nito sa loob. Habang ito ay lumalaki, lumalamig at tumitigas ang labas
nito at nababasag sa malilit na piraso. May mga domes na bumubuo ng mga umbok o
gulugod sa singawan, at may mga iba naman na bumubuo ng maiikli, matatarik na
agos ng lava na tinatawag na coulees. Karaniwang matatagpuan ang mga domes sa loob
ng bunganga ng bulkan o libis ng malalaking stratovolcanoes.
Calderas
Ang calderas ay
mga uka na nabuo ng mga gumuhong bulkan. Karaniwang mga uka ay may hugis
palanggana, malalaki at may matarik na pader na binubuo ng mga nasirang bulkan
sa isang malawak na lugar at sa paligid ng mga butas ng bulkan. Iba’t iba ang
anyo ng Calderas, mula sa 1-15 mi sa diameter hanggang sa may pinahabang uka na
may 60. mi ng haba.
Mga Aktibo at
Di-Aktibong Bulkan
Aktibo o di-aktibo
ang mga bulkan ayon sa mga naitalang aktibidad. Sinasabing aktibo ang bulkan
kapag ang mga pangyayari tungkol sa pagsabog nito ay naitala ng tao sa
kasaysayan. Sinasabi naman na di-aktibo ang bulkan kung hindi pa ito sumasabog
ng matagal na panahon at unti-unting nagbabago ang anyo nito dahil sa panahon
at erosyon. Mas inaaasahang sasabog ang mga aktibong bulkan kung ikukumpara sa
mga di-aktibo. Ngunit hindi nangangahulugang hindi na puputok ang mga
di-aktibong bulkan matapos manahimik ng matagal na panahon.Noong 1991,
naganap ang pangalawa sa pinakamalakas na pagsabog ng bulkan sa buong mundo sa
loob ng 20th century -ang pagputok ng Mt. Pinatubo. Nagsimula ang pag-aalburoto
sa pagbuga ng abo na umabot pa hanggang Maynila. Nauwi ito sa pagsabog ng
pyroclastic material at dahil sa sumunod na bagyo, lahar naman. Daan-daang mga
tao ang namatay at nawalan ng tirahan dahil sa pagngangalit ng bulkan. Ang
topograpiya ng ilang probinsiya, nabago; may ilang mga bayan pa nga ang nabura
sa mapa. Pati ang temperatura sa buong mundo, naapektuhan ng kumalat na abo
mula sa Pinatubo.Pero bukod sa
Pinatubo, mayroon pang mahigit dalawampung bulkan sa Pilipinas naaktibo ayon sa
PHIVOLCS. Kabilang na rito ang Mt. Mayon sa Albay at Taal Volcano sa Batangas.
Sa dami ng bulkan sa Pilipinas, isa nga ito sa mga bansang nasa Pacific Ring of
Fire. Dahil sa peligrong maaaring hatid ng mga bulkan, mahalaga na maunawaan
natin kung paano sila nabubuo at kung ano ang nasa likod ng kanilang mga
pagsabog. Higit sa lahat, mahalaga rin malaman kung paano tayo dapat maghanda
sakaling mag-alboroto muli ang alin man sa mga ito.Sa Huwebes,
November 22, samahan ang ekspertong totoo na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz para
alamin kung handa na nga ba tayo sa hamon ng mga bulkan. Sa tulong ni Dr.
Renato Solidum ng PHIVOLCS, sisilipin ng episode na ito ang iba’t ibang klase
ng pagputok ng bulkan. Bibisitahin din natin ang isang lugar sa Zambales kung
saan tuktok na lamang ng dating simbahan ang bakas ng isang barangay na ngayo’y
nalubog na sa tubig at lahar.Sa kabila ng pinsalang
dulot ng pagputok ng bulkan, may mga benepisyo rin itong hatid. Kabilang na
rito ang pag-usbong ng turismo sa mga lugar malapit sa bulkan at ang paggamit
ng enerhiya mula sa mga bulkan.
TALAMPAS
Ang talampas, na
kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o
anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o
katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin
bilang pantayanin, bakood, at bakoor.Ang Tibetan
Plateau ang pinakamataas na talampas sa buong mundo na may 16,000 talampakan na
nasa taas ng bundok.Ang talampas ay patag na
anyong lupa sa mataas na lugar o ito ay ang kapatagan sa itaas ng bundok. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa
rito.
DISYERTO
Ang disyerto ay
isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato.
Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga bansang may maiinit na klima tulad
ng mga bansa sa Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig,
hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.Sa heograpiya, ang
isang desyerto, disyerto, ilang, ulog ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na
tumatanggap ng maliit na presipitasyon. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang
ilang bilang mga lugar na tumatanggap ng karaniwang presipitasyon na bababa sa
250 mm (10 pulgada).
Kilala ang mga
ilang sa nakapaliit na pagsuporta sa buhay. Maaaring totoo ito kumpara sa mga mas
basa na rehiyon, bagaman kadalasang may mataas na biyodibersidad ang ilang,
kabilang ang mga hayop na nananatiling tago (lalo na kung may araw) upang
mapangalagaan ang pagkabasa.May mga ilang katangian
ang mga ilang. Kadalasang binubuo ito ng mga buhangin atmabatong ibabaw.
Binubuo din ang maliit na bahagi nito ng mga buhanging duna na tinatawag na erg
at mabatong (hamada) ibabaw. Karaniwan ang paglabas ng mga mabatong mga lupain,
na sinasalamin ang maliit na pag-inam ng lupa at kakaunting pananim. Maaaring
patag na natatakluban ng asin ang mga ilalim na lupain. May katulad na
katangian ang mgamalamig na ilang ngunit niyebe ang pangunahing anyo ng
presipitasyon sa halip na ulan. Ang Antartika ang pinakamalaking malamig na
ilang (binubuo ng mga 98 bahagdan ng makakapal na kontinental na sapin ng yelo
at nakalitaw na mga bato ang 2 bahagdan).Sahara ang pinakamalaking ilang na
mainit. Ang World Day to Combat Desertification and Drought ay ipinagdiriwang
taon-taon tuwing Hunyo 17.
KAPULUAN O ARKIPELAGO
Ang kapuluan o
arkipelago ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay
isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang
nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng
Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian.Ito ay pangkat ng
mga pulo. Ang mga bansang Japan, Pilipinas, Indonesia, at Maldives ay mga
kapuluan. Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo ang bansang Indonesia na
tinatayang mayroong mahigit
13,000 pulo.
PULO
Ang pulo o isla ay
isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa
bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan
ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay
tinatawag na arkipelago. Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga
pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal.
Pulong kontinental
Ang mga pulong
kontinental ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf ng isang
kontinente. Isang halimbawa nito ang isla ng Lupanlunti, na nasa kontinente ng
Hilagang Amerika.
Pagkakaiba ng mga
pulo at mga kontinente
Ang Greenland ay
ang pinakamalaking pulo sa daigdig na may sukat na mahigit sa 2.1 million km²,
samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente ay may sukat na 7.6
milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa
mga pulo mula sa mga kontinente, o mula sa mga munting pulo.
TANGWAY O PENINSULA
Ang isang tangway
o tangos o peninsula, cape, promontory sa Ingles ay isang lupa na napapaligiran
ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland),
tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit.
Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan
nito ay Tangwáy.
KAPATAGAN
Ang kapatagan sa
heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at
paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga
kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.Ito rin ang pinakamataong
uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain, masmadaling magpagawa ng mga
lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan
sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan. Maraming
produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang
mgagulay. Sa kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay
may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, mais atpalay. Sagana
naman saabaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros,
Davao, Cebu at Iloilo.